Manunumpa si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte bilang testigo sa paglilitis ng kaniyang kapatid na si Vice President Sara Duterte ngayong Martes, Setyembre 29, 2026. Sa nakaraang testimonya ni PhilGEPS Division Chief Rendell Sopeña, naungkat na may 15 kontratang iginawad ang Davao City LGU sa Gencorp Industries Inc.—isang kompanyang inuugnay sa bise presidente. #VPOnTrial